WELCOME

The Home of Erich and Enchong Supporters

Monday, August 30, 2010

Inilabas kahapon sa “The Buzz” ang panayam kay Enchong Dee hinggil sa isyung iniiwasan daw umano ng aktor ang nasagasaan niyang lalaki.
Naganap ang nasabing aksidente noong Agosto 4 sa may Taft Avenue kung saan nagkabanggaan ang kotse ni Dee at isang public jeepney.
“Wala akong kasalanan doon sa nangyari. Kahit ‘yong mismong guard on duty sa lugar na ‘yon na nagbigay ng report sinasabi niya hindi ako ang may kasalanan,” kuwento ni Dee kay “The Buzz” host Boy Abunda.
Kahit daw kasi naka-stop na ay tumakbo pa rin ang driver ng jeep. “Sabi ng pulis na nandoon ay ‘yong jeepney driver ang may kasalanan, I was at the right place and sumunod lang ako [sa batas trapiko].”
Sa nangyaring banggaan ay naipit naman ang paa ng isang pasahero ng jeep na si Marlon Bonalos dahil nakalabas ang kanyang paa sa sasakyan. Sinabi rin ng kinauukulan na walang kasalan si Dee dahil responsibilidad umano ng driver na sabihan ang pasahero nito na ipasok ang paa sa jeep.
Gayunpaman pumunta pa rin si Dee sa ospital para kumustahin ang naaksidenteng lalaki sapagkat ito raw ang tamang gawin. Nagbigay umano siya ng P700 kay Bonalos para sa mga kailangan niya sa mga oras na iyon. Sa parehong araw raw ay nagbigay din siya ng P3,000 upang mapatingin ang paa ni Bonalos at makabili ng mga kinakailangang gamot.
Agosto 15 daw ay muling nag-text ang lalaki kay Dee upang humingi ulit ng tulong subalit hindi na nakadalaw si Dee dahil isinugod din siya ospital dahil sa dengue. Nagpadala pa raw ulit siya ng P3,000 at isang saklay. Punto pa ni Dee, covered na raw lahat ng medical expenses at gamot nang unang iniabot niyang tulong.
Masama kasi ang loob ng aktor dahil sa pagpapa-interview ng lalaki sa kabilang istasyon at sa mga akusasyon nito. Depensa raw ng lalaki sinabi raw ng crew na pumunta sa bahay niya na hindi raw sila aalis hangga’t hindi siya nagpapa-interview.
Bilang tugon naman sa pagpapa-interview ng lalaki, ito ang sinabi ni Dee : “Sinabi mo magpakalalaki ako. Unang-una, kung hindi ako nagpakalalaki, noong oras pa lang na sinabi ng mga pulis na wala akong kasalanan, umalis na sana ako. Hindi na sana ako nag-abot ng tulong. Nakakalungkot lang na after all the help, ganito pa ang nangyari. Sana naiintindihan mo ang lahat ng nangyayari.”

source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment