WELCOME

The Home of Erich and Enchong Supporters

Friday, September 10, 2010

ENCHONG KTXT 09-10-2010


ENCHONG: Nakakalito no! Kasi sa shooting ang pangalan ng daddy ni yumi (erich) caloy din.. Minsan tuloy nababasa ko yung line ni tito dennis hindi yung akin... Anyway andito kami ngayon shooting uli hindi muna kami magkaribal...tapos kanina dahil sa ulan nakapahinga kami ni erich ng additional 4 hours! Sobrang sarap! Sabi ko nga parang gumaan yung pakiramdam namin:) thank God sa ulan:)


 ENCHONG: Binisita kami ngayon ni liz uy sa set ng shooting! :) joke hahahah! Make up artist yan sa set na hawig lang ni liz uy hahahah! Ang saya ngayon dito sa set kasi maaga kaming matatapos.. Tapos shooting uli.. Wala muna asap next week nalang uli :) bukas tan family naman kasama ko! :)

ERICH KTXT 09-09-2010


ERICH: I do shooting hehe :) eto na naman kami nila enchong, janus, melai at allyzon.. Sama sama! sobrang gulo pero sobrang saya :) nakakatuwa sila kasama hihi gutom kami ano kaya masarap kainin? :) ingat po today. Be happy :)


ERICH: Good night po from all us here :) hehe don't forget to pray before you sleep. Sweet dreams ! :) mwah

ENCHONG KTXT 09-09-2010


ENCHONG: Good morning! Ganito ang nangyayari sa likod ng movie :) and we are causing traffic heheheh! Sorry! Anyway andito na uli ang barkadahang I do :) janus, allyson, melai, and erich :) ang saya nanaman ng taping Heheheh :) sige txt ko uli kayo mamaya, nagstart na kasi ako txt pa ko ng txt :) hheeheh!


ENCHONG: Ito ang look kapag pinipilit ng magkakaibigan na magsama sa iisang picture, merong putol, chubby cheecks at madilim :) heheheh! Anyway buti nalang pinayagan ako ng shooting umalis for awhile para lang makapagshoot ng pictorial for billboard this christmas season.. Grabe bilis noh! isang taon nanaman ang nakalipas heheheh! :)anyway pipikit ko muna mata ko kasi para ng may buhangin mata ko sa puyat.. heheh! :)


ENCHONG: ito na! Ito na talaga!!! Ultimate Dream car of enchong dee!!! Ferrari! Pero syempre pangarap lang yun, libre naman mangarap e, sana makasakay ako kahit isang beses lang! :) kanina nakita namin to habang nagshoshoot ng isang eksena sa movie.. Grabe talaga nanlaki yung mata ko pagkatapos ko makita yun! :) sabi ko sa sarili ko one day magkakaroon din ako hahah! Diba ang sarap mangarap! :)

ERICH KTXT 09-08-2010


ERICH: Taping po kami ng magkaribal :) after this week, andami pong magbabago! Very exciting talaga ! :) sana po patuloy ninyo panoorin. Super thank you po. Bukas naman shooting po kami ng movie ng I do, sana po suporthan nyo rin :) september 29 na po :) maraming salamat! God bless

ENCHONG KTXT 09-08-2010


ENCHONG: Everyone meet the tan family :) sila family ko sa I do, first look only for you :) hehehe! Anyway hindi nanaman ako nakapagktxt kagabi kasi dirediritso kami gumagawa ng eksena kagabi.. Yung mga tiga-star cinema na nakapanood na nung rushes really laughs with the scene, hay nakakakaba talaga!Yun ang sigurado ako.. Parang gusto ko na nga panuorin kaya lang wala naman ako free time to do it :( so mapapanuod ko na sya together with you guys ... :)


ENCHONG: Just eating isa :) I haven't had one for centuries kaya indulge! Si francia may pakana nito e, mahilig pala sya hehehh! Syempre as enchong hindi rin ako aatras dyan :) hehehe :) anyway I was ableto passby church since I was waiting for my next scene, ang tagal ko na kasing hindi nakasimba e..

ERICH KTXT 09-07-2010


ERICH: I do shooting today :) masaya po kami hehehe hope you had a great day! :) God bless


ERICH: Still shooting :) good night everyone! Mwah!

ENCHONG KTXT 09-05-2010


ENCHONG: GOOD MORNING!!! Walang tulog tulog! Ito picture namin ni erich sa photoboot ng timezone! Nakakatawa kasi hindi namin alam kung pano i-operate ang nangyari tuloy pindot kami ng pindot so wala kaming idea na napiprint na pala sya kaya ng kinalabasan tuloy is chubby cheeks enchong and gulat mata erich hahahahah! Yan ang look ng hindi marunong maghintay sa photobooth!:) heheh! :):)



ENCHONG:More close up shot! andito na ko sa asap! promise kailangan nyo mapanood ang opening prod number! Ibang klase to and If I were to define it, I will say na ito ang “sayo lamang” sa lahat ng prod number kasi each and everyone who is part of it is really good as in nakanganga ako habang pinapanood ko sya… Mas maganda sya sa live kasi makikita mo lahat ng galaw… Tsaka ang dapat nyo panuorin is si teacher georcel sasayaw sya kasama namin yahoo!

Monday, September 6, 2010

ENCHONG DEE & ERICH GONZALES STAR MAGIC BALL 2010













I DO "THE MOVIE" (PICTURES)


STAR MAGIC BALL 2010



ENCHONG K-TEXT 09/06/2010







ENCHONG: Ayan! nawala na sa isip ko na magsend ng ktxt update kagabi kasi we were all in the mood to just relax, don't think of work and enjoy the night.. Ito nalang yung pinakamatino kong picture kagabi.. wala kasi ko dalang camera.. heheh! Anyway thanks to joey samson for making my suit and michael cinco for sending me another one



ENCHONG: Bring back the old times! This is our directors of last year show, direk darnel and direk maluo nene and jojo we were all in the ball kaya nagquick recap lang  anyway if you want to see pictures from last night i'm sure it will all surface online, and thank you yto moet and chandon for giving me and erich the pair of the night award  ang laki ng champagne na napanalunan namin heheheh 



ENCHONG: Another bring back the old times, nakakatuwa sila tingnan because they were both enjoying the night :) back shot nga lang :) I just want to say thank you nga pala sa lahat ng bumili ng copy ng mens health this month because its really doing well sa market :) pagnagstart kami magshow for i do, hopefully I can sign the mag personally for simply being so supportive :)

Sunday, September 5, 2010

Saturday, September 4, 2010

BTS: I'DO TAPING VISIT and SAYO LAMANG BLOCK SCREENING

CREDITS TO CAMS OF SMOOCHEES! FOR THE NOBELA

Around 10 kami nagmeet lahat sa Trinoma. Naglunch muna kami tapos we bought food na for Chong and Erich at pati na rin sa staff ng movie. Napagalaman namin na late ang calltime ni Erich. Around 3 pm pa kasi sa house ni Lance yung shoot, konti lang scenes niya. Eh kailangan namin makapunta sa block screening ng 5 pm sa Galleria. So medyo alanganin. Nagmadali na kami tapos mga 12 noon andun na kami sa location. Nakakatuwa kasi yung house katabi lang ng bahay ni Gabby of katorse. Haha! Si Kuya Danny muna nakita namin tapos si Francia. Kumakain kasi si Chong nung pagdating namin kaya di kami nakalapit agad. Pinaabot muna namin yung fave food ni Chong kasi baka matunaw. After 10 minutes, tinawag na kami ni Francia. Pumasok na kami sa house. Malaki siya pero di singganda ng house ni Chloe. Tapos ayun lumabas na si Chong sa tent, nakablue yata siya. Im not sure kasi busy ako kakatitig sa mukha niya. Haha. Ang gwapo kasi. I’ll never get tired of saying it. of course kinakain na yung dala namin. At enjoy na enjoy siya sa pagsubo. Angcute tingnan. Nag-hi kami. Sabi niya “o di ba ang ganda ng location ngayon”. Kasi nga [spoiler start]mayaman[spoiler end] si Lance. o spoiler police, nagspoiler tag na ha. tapos pansin niya bihis na bihis kami, tanong niya kung pupunta kami sa block screening. Sabi namin oo,tapos niloko niya sila Seth at Jhel sa mga kakwintasan nila. Tapos yun nagkwento siya na di siya makakapunta kasi nga sobrang ang dami nilang kailangang tapusin sa shoot. Until 12 MN lang kasi sila dun tapos pupunta pa siyang ABS for asap rehearsal.


Tapos ikinumusta namin si busaboss sa kanya. Sabi namin miss na siya ni Amy tapos sabi niya “oo nga hinhintay ko tawag niya.” Weh, Amy kinilig ka noh? Hahaha! Tapos sabi niya “Sus, if I know shopping lang yun ng shopping dun”. Ito namang si Ate Heids, binuking si Amy. Di pa daw siya matawagan kasi wala pang pangtawag. hahaha! Sementuhin mo paguwi mo Amy. Joke lang Ate Heids. Napansin niya rin si Zoe na iba naman ang dalang relative ngayon. Tita naman. Hindi muna si Lola.


Napagusapan ang Magkaribal. Yun nga matatapos na daw kasi may iba pang shows ang ABS na kailangan ipalabas sa last quarter ng taon. Sabi pa niya naka4 months na kasi ang Magkaribal. Waley. Sabi namin wala pa. Pero basta matatapos na daw. At wala ngang season 2. Tapos nagviolent reaction nga itong si Ate Heids sabi niya “ano ba yan, matatapos na eh wala pa ngang nangyayari kila Caloy at Chloe!” Natawa kaming lahat lalo na si Chong. Adik kasi itong si Ate Heids. Tama bang magmaktol?


Tapos tinanong kung ano ang next project nila after Magkaribal, sabi ni Chong di pa daw niya alam. Pero si Erich alam na. I don’t know kung separate projects muna o magkasama pa rin sila. Basta itanong na lang daw kay Erich.


Nakita niya yung sangkaterbang chicken na dala namin. Sabi ni Ate heids para sa kanila tapos sabi ni Chong “nako uubusin lang ni Erich yan.” Haha!


Napunta din yung usapan sa toot. At nakakatuwa yung sagot niya na syempre pupunta daw siya.


Sabi din niya September 29 na nga yung showing ng I DO.


Tapos ang Star Magic Ball.


WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!


Pasimple muna si Ate Heids tinanong kung may susuutin na si Chong. Meron na daw, tapos tanong ulit kung sino kadate… sabi…


“SYEMPRE SI ERICH”


natural di ba sila naman ang loveteam? Wala lang mababaw lang ako. Kinilig ako.Pasensya.




Sabi pa niya “kailangan kasi niya ng alalay para may tagahawak siya ng damit niya”. Yung laylayan daw kasi ang haba. Dinemo niya pa kung gaano kahaba. Adik. Pero yun lang, tagahawak lang ng laylayan ang role? Wehhhh. Hahaha.


Tapos eto na yung tawag ni Sameera. Parang nakulitan na yata si Seth at mayat maya tumatawag si Sameera bigla na lang pinasa kay Chong. Hahahaha! Sinagot naman ni Chong tapos ang unahg sabi “o”. nakakatawa yung way ng pagsabi niya kasi parang matagal na silang magkakilala tapos nangungumusta lang si Sameera.


Hoy sameera, ikwento mo pinagusapan niyo. Ang haba eh. Paikot ikot pa si Chong habang kausap ka. Kahit na tinatawag na siya para ayusan, kebs lang. mukhang nagenjoy siya kausap ka. Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!


Tapos yun nagpicture taking na for Jhel kasi paalis na nga siya sa Tuesday. Tapos nagpasign ng mags si Jhel. Nakakatawa yung mga pinagsusulat ni Enchong. Eto kasing si Jhel pinasulat ba naman si Enchong dun sa exposed ang abs niya. Hahaha! For personal use lang daw. tapos yung isa naman yung sa bedroom. Nagkwento pa. haha.


Nakita din namin yung family ni Lance dun. Si Ms Isay nga mom niya tapos si Eliza Pineda ang sister niya yata. Si Alwyn Uytingco ewan ko kung anong role.


After that nagpaalam na kami kasi kailangan na siyang ayusan dahil sunod sunod na take niya. Tapos umalis muna kami at nagstay sa katabing gym habang naghihintay kay Erich. Past 3 na siya nakarating. Di namin siya nakausap actually kasi kailangan na niyang ayusan agad. Nagpasign lang si Jhel ng mags tapos umalis na kami para makahabol sa BS. Parang yung scene sa house is [spoiler start]meet the parents[spoiler end]. Napagalaman din namin ilang details. Ay kaloka. Super nakakakilig nga. I love you LANCE! Waaaa!




Sa Rob, mineet namin sila Angie tapos nandun din pala ang Lola Pearly ni Chong. Lola niya sa fatherside. Ang gandaaaaaaaaa! Grabe di mukhang lola. Kasi ang bata ng itsura. Very glamorous.Nagpakilala kami tapos she chatted with us for a while.Kimuha na namin yung tickets from Believers and Lord. Salamat sa kanila. After that nagdinner muna kami kasama sila Angie tapos pumasok na sa sinehan.


At yun nga may press con pala at nandun sila Bea at Zanjoe. Sige durugin pa ako! Haha! Medyo matagal yung press con. Para lang bagong gising si Zbebe kung sumagot. Tamang bangag lang in a verrry endearing way. Oo biased ako! Haha! Tapos nun, nagpicture taking.para kaming mga ewan sugod talaga. Of course Zanjoe yun eh. Waaaaaa! Sooooooo gwapo talaga. Ibang level.


After ng picture taking, eto di ko talaga makakalimutan, nagulantang na lang ako si SETH kiniss si ZANJOE. Ahas! Taksil! Nagulat na lang ako, naunahan pa ako. At eto ako akala ko si Enchong lang pinagnanasaan niya , yun pala pati si one true lurpe kong si Zbebe! Amy, pakisemento! Hahaha! Tapos yun nagwait ako for my turn. Actually hindi ko sinabi na magbeso kami. Sila Jhel ang nagsabi kasi torpe ako. Hahaha! After a few minutes, nilapit niya cheek niya tapos kumiss na ako. Well. Mas malambot ang cheek ni Chong pero mas kumabog ang dibdib ko kay Zbebe. Hahaha!


Nakita namin si Queenie Padilla. She’s very pretty pala. Nasa harap lang namin siya.


Tapos nun tabi tabi na kami sa upuan pagbalik. Nagpapic kami kay Lola Pearly. Niloloko siya ng friends niya Enchang ang tawag sa kanya. Haha! Sabi namin we’ll meet again very soon. She’s game naman. Natuwa siya sa plan. Andun din pala parents ni Chong dumating sila bago magsimula yung film.


About James (Chong’s character)… konti lang scenes niya actually. Pero magaling siya. Lalo na sa kissing scene. Haha. Ganun nga siguro ang kissing style ni Chong. Para siyang Jun Pyo. Hahaha! Ang swerte ni Lauren. Nakakahiya pa, kasi topic namin yun after ng movie, di namin napansin na nakikinig lang si Angie sa tabi namin. Hahahaha!

At mukhang realistic talaga fight scene nila ni Coco.


Maganda yung movie. Mega mmk kami ni Seth sa ilang scenes lalo na pag kay Lorna ang scene.


Dun sa mga di pa nakakapanood, watch na kayo. Feel ko maiinspire kayong maging mas mabuting anak.


Di na nga pala kami nakabalik sa shooting kasi super late na natapos yung Sayo Lamang. Ang layo pa ng loc ng I Do.


Di tuloy namin sila nakunan ng pic together. Next time na lang ulit.


BOW.






ERICH KTXT 09-05-2010


ERICH KTXT 09-05-2010  Shooting po kami :) meet the tan family :) hehe sila po yung magiging family ni enchong sa movie :) I do malapit na! :) hehe good night po. sleep well :)

ENCHONG KTXT 09-05-2010


ENCHONG: Barkadahang "I do" sayang wala dito sa erich sa picture si erich nagbibihis kasi sya nito e.. Its melai, janus, me, and allyson :) pasensya na nga pala sa lahat ng nag invite sakin manuod ng blockscreening ng I do.. I tried asking permission kaya lang wala na kasi talaga kong oras, in between our shooting today may rehearsals pa ko for asap and meeting sa star magic later tapos balik shooting hanggang early morning na yun :( promise next time, sa movie na i do most probably tska dapat andun talaga ko :)




ENCHONG: Picture namin nung nagshooting kami sa trinoma, dami madlang people, pakiramdam ko nadistorbo namin yung araw nung mga store sa mall... hehheh! Anyway early start nanaman kami today para akong bangag na kasi late din kami natapos kaninang umaga.. Tapos pagdating ko nakakatuwa kasi ang mommy ko sa movie si tita isay uli :) hehehh!Yung mommy ko sa tanging yaman :)

Friday, September 3, 2010

ERICH KTXT 09-03-2010

 ERICH: Taping po kami today! :) with my mom and dad, I really love them both! hehe by the way thank you so much po for watching Magkaribal every night. salamat po talaga for supporting the show! We promise po to always give you a great episode. Sana po wag kayo bibitiw dahil patindi ng patindi ang mg...a pangyayari! :) many thanks! Have a nice day everyone :) take care

ENCHONG KTXT 09-03-2010

ENCHONG KTXT 09-03-2010 :Good morning! Early start nanaman today, 330am na rin kami natapos ni francia sa shooting, andito kami sa taping ng magkaribal sana wag umulan para makaderideristo kami para hindi delay :) congrats nga pala to all of us for sayo lamang is doing really wll lalong lalo na sa mga provinces :)



ENCHONG KTXT: Another picture to saved foreve picture with diek Laurice.Life is about choices...he decision to be happy is in your hands...The path to your slf completion begins with you. Be inspired.Sayo Lamng.Watch with your love ones.Showing in cinemas all over the country.Please pass to those you care about.



ENCHONG: Ito na! Itong ito na talaga!!! yung pangalan ko lumabas na sa cast of characters hahahahahah! Salamat nga pala dun sa lahat ng nag invite sakin sa block screening ng sayo lamang!!! promise talaga best effort na makakapunta ko sa schedule pero kasi talagang madaming kailangan matapos na eksena kami for the movie kasi kulang na kulang kami s oras dito sa I do, baka makapunta na ko unless may panibagong movie na naman heheh! Hope you understand guys